Monday, May 18, 2026

π—£πŸ­.𝟡-𝗠 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗔𝗧 π— π—šπ—” 𝗕𝗔π—₯π—œπ—Ÿ, 𝗑𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 π—’π—£π—˜π—₯𝗔𝗦𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π—₯𝗒𝗫𝗔𝗦, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

Cauayan City – Tinatayang nasa P1.9 milyong halaga ng hinihinalang shabu at ilang matataas na kalibre ng baril ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang search warrant operation laban sa dalawang hinihinalang High Value Individual (HVI) sa Brgy. Lanting, Roxas, Isabela noong Mayo 17.
β€Ž
β€ŽKinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina alyas β€œOrang,” 51-anyos, at alyas β€œPorman,” 35-anyos, na kapwa residente ng naturang barangay.
β€Ž
β€ŽSa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang mahigit 279 grams ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, digital weighing scale, at iba’t ibang kagamitan na pinaniniwalaang ginagamit sa pagbebenta ng ilegal na droga.
β€Ž
β€ŽMaliban dito, narekober din ang isang revolver, Glock 17 9mm pistol, Colt MK IV caliber .45 pistol, mga magazine, at samu’t saring bala at live cartridges.
β€Ž
β€ŽMatapos ang operasyon, dinala ang mga suspek sa Roxas Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Facebook Comments