
CAUAYAN CITY- Nauwi sa pananaksak at tangkang pamamaril ang isang inuman sa Brgy. Turod, Reina Mercedes, Isabela nitong ika-17 ng Mayo.
Kinilala ang biktima na si alyas βManny,β 38-anyos, may asawa at isang construction worker,habang ang suspek naman ay kinilalang si alyas βAntonio,β 52-anyos, magsasaka, at residente rin ng naturang barangay.
Batay sa ulat,magkasamang nag-iinuman ang dalawa sa ilalim ng isang puno nang bigla umano silang magkaroon ng mainitang pagtatalo.
Sa kalagitnaan ng alitan, bigla umanong bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa hita dahilan upang ito ay mawalan ng lakas at bumagsak sa lupa.
Matapos ang pananaksak, umuwi ang suspek sa kanilang bahay ngunit muling bumalik dala naman ang isang 12-gauge shotgun.
Tinangka umano nitong barilin ang biktima ngunit hindi pumutok ang baril kayaβt naiwasan ang mas malalang trahedya.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Reina Mercedes Municipal Police Station na nagresulta sa mabilis na pagkakaaresto sa suspek. Isinugod naman ang biktima sa pagaamutan upang mabigyan ng agarang lunas.
Nakumpiska mula sa suspek ang patalim na ginamit nito sa pananaksak, maging ang isang 12-gauge shotgun na walang serial number o anumang marka.
Kasalukuyan nang inihahanda laban sa suspek ang kasong may kaugnayan sa pananaksak at paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.










