Tuesday, April 21, 2026

𝗦𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚, 𝗧𝗔𝗟𝗘𝗡𝗧𝗢, 𝗔𝗧 𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗕𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟

Cauayan City – Patuloy na ibibida ang galing ng mga ISU-dyantes pagdating sa talento, sining, at kultura sa ikalawa at huling araw ng Kawayan Student Festival 2026 sa Isabela State University – Cauayan Campus.
Sa pakikipanayam ng IFM newsteam sa ISU Student Council President na si Darrel Daguio, sinabi niyang nagkaroon sila ng mahirap at mabigat na preparasyon para mapaghandaan ang nasabing programa. Dagdag pa niya, tumira sila sa paaralan ng isang linggo upang masiguradong maging maayos ang daloy ng programa.
Maliban sa mga naganap na aktibidad ngayong araw, marami pang paligsahan ang magaganap bukas kabilang na rito ang Kawayan Film Festival Film viewing, Bible Quiz Bee, SDG Quiz Bee, at SDG Project pitching.
Samantala, itatampok rin ang galing at talento ng mga mag-aaral sa larangan ng musika sa Kawayan Music Fest, Your Face Sounds Familiar, at Battle of the Bands. Isa rin sa highlights ay ang “Musika ng Buhay ISUdyantes” kung saan iku-kwento ng mga kalahok ang kanilang buhay sa pamamagitan ng paglikha ng musika.
Inaanyayahan din ang lahat na makisaya sa pagdalo ng sikat na music artist na si Dionela. Binigyang diin niyang libre ang gaganaping concert ngunit kung gusto ng mga kapwa niya estudyante ay maari silang bumili ng VIP Ticket sa kanilang gymnasium.
Samantala, tiniyak naman ni President Daguio ang kaligtasan ng mga estudyante sa araw ng Student Festival sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang kinauukulan kabilang na ang PNP, Rescue 922, Medical Team, at Campus Clinic.
Facebook Comments