
Matagumpay na idinaos ang Agew na Kalangweran 2026 bilang bahagi ng selebrasyon ng Mango Bamboo Festival 2026, na may temang “Kabataan, Kultura, at Kasaysayan: Pundasyon ng Kinabukasang Binalatongan.”
Naging makulay ang programa kung saan naipamalas ng mga kabataang San Carlenian ang kanilang husay sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, kultura, at akademikong kahusayan. Tampok sa mga pagtatanghal ang pagsasabuhay ng mayamang kasaysayan at tradisyon ng Binalatongan, na nagpatibay sa kamalayan at pagkakakilanlan ng kabataan.
Sa kabuuan, ang naturang pagdiriwang ay hindi lamang naging entablado ng talento kundi isang makabuluhang paalala sa mahalagang papel ng kabataan sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura at kasaysayan ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










