
Cauayan City – Inaasahang tataas pa ang pamasahe sa eroplano matapos itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge na ipinapataw ng mga airline, kasunod ng patuloy na paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
β
βMula Level 8, itinaas ng CAB ang fuel surcharge sa Level 19 para sa ikalawang bahagi ng Abril.
β
βDahil dito, aabot sa β±627 hanggang β±1,824 ang posibleng dagdag-singil sa domestic flights, habang β±2,070.77 hanggang β±15,397.15 naman sa international flights, depende sa distansiya ng biyahe.
β
βNauna nang ipinatupad ang Level 8 sa unang kalahati ng buwan, kung saan mas mababa ang dagdag-singil sa pamasahe para sa domestic at international flights.
β
βAyon sa CAB, pansamantala lamang ang naturang antas at maaaring magbago pa depende sa presyo ng langis.
β
βPaalala rin ng ahensya sa mga airline, kinakailangan ang tamang aplikasyon at hindi dapat lalampas sa itinakdang fuel surcharge ang kanilang ipapatupad.










