
Umapela si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio sa Department of Budget and Management (DBM) na taasan sa 5,000 pesos ang Personnel Economic Relief Allowance o PERA para sa mga guro at mga kawani ng gobyerno.
Ayon kay Tinio, noong 2009 pa huling nagtaas ang PERA at napako ito sa P2,000 na hindi na akma sa kasalukuyan lalo’t may pandaigdigang krisis sa langis na nagpapataas sa presyo ng mga bilihin.
Hirit ito ni Tinio sa naging dayalogo ng ACT Teachers Partylist sa mga opisyal ng DBM kung saan sinabi aniya ni Usec. Rolando Toledo na P23 billion ang kailangan para madagagan ang PERA ng P1,000 para sa lahat ng government employees.
Sabi ni Tinio, binanggit ni Toledo na pinag-aaralan din ng DBM na maipaloob ang PERA increase sa 2027 budget.
Giit ni Tinio, kung seryoso ang gobyerno sa ‘economic relief’ ay wala dapat itong ilatag na mga kondisyon para mabigyan ng ginbawa ang mamamayan at dapat ibigay na agad ang makabuluhang dagdag-PERA.










