Monday, May 25, 2026

๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—”, ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ž๐—ข๐—•๐—˜๐—ฅ ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—ช๐—”๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—–๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ก-๐—จ๐—ฃ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng โ€œScubasureroโ€ ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Palanan sa Sitio Logpond, Barangay Didaddungan, Palanan, Isabela bilang bahagi ng pagdiriwang ng Month of the Ocean CY 2026.

Saklaw ng isinagawang underwater clean-up operation ang tinatayang 0.7 ektaryang marine area kung saan humigit-kumulang 12 kilo ng solid waste materials ang narekober mula sa ilalim ng dagat.

Kabilang sa mga nakuhang basura ay isang bisikleta, 22 piraso ng lubid, isang plastic bucket, tatlong lata, 36 na wrappers, at anim na fishnets.

Ayon sa CENRO Palanan, karamihan sa mga nakolektang debris ay residual at fishing-related wastes na nagdudulot ng polusyon sa karagatan at panganib sa yamang-dagat at coastal habitats.

Binigyang-diin din ng ahensya na mahalaga ang kooperasyon ng komunidad upang mapanatili ang kalusugan ng karagatan at maprotektahan ang likas na yaman para sa susunod na henerasyon.

Facebook Comments