
CAUAYAN CITY – Nagbigay ng karangalan sa bayan ng Echague ang 24 na batang math achievers matapos magwagi sa Hongkong International Math Olympiad – Heat Round 2026.
Sa kabuuang bilang ng mga awardees, pito ang nagtamo ng gold medals, siyam ang silver medalists, habang walo naman ang nakakuha ng bronze medals.
Kabilang sa mga gold awardees sina David Padua III, Ezra Zamantha De Leon, Attiya Jaasiel Aquino, Luisa Angela Castro, Garielle Chloe Vinarao, Jayemi Raphael Dela Cruz, at Iverson James Bisares.
Samantala, kabilang naman sa silver awardees sina Princess Xychelle Dayag, Alex Joaquin Pascua, Romel Angelo Dayag, Appryll Kate Roxas, Adhiey Santistevan, Amarah Ivanna Tamani, Jan Gregor Bonilla, Ariannie Alesia Mangaoil, at Carla Anthonette Foronda.
Nakapagtala rin ng bronze medals sina Marcoux Ynno Duque Millano, Myrtelle Gem Pascual, Bryon Lewis Flores, Mary Sherandyle Gaffud, Haniel May Pepito, Reymark Anconcil, Sky Kendra Verdadero, at Deity Luna Pepito.
Sa 24 na awardees, 15 ang mula sa St. Joseph’s Vineyard Montessori School, tig-tatlo mula sa Echague National High School at St. Dominic Human Development Center, dalawa mula sa First Echague United Methodist School, at isa mula sa TAPS Santiago City.
Kinilala naman ng Pamahalaang Bayan ng Echague ang husay at talino ng mga batang Echagueño na muling nagdala ng karangalan hindi lamang sa kanilang mga paaralan kundi maging sa buong bayan at lalawigan.










