Wednesday, May 6, 2026

₱12.4-B halaga ng ilegal na droga, nasabat sa unang apat na buwan ngayong taon ayon sa PNP

Nakakumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 12.4 billion pesos na halaga ng ilegal na droga sa unang apat na buwan ngayong 2026.

Sa tala ng PNP mula January 1 hanggang April 30, nasa higit 26,000 na anti-illegal drug operations ang isinagawa ng PNP na nagresulta sa pagkakaaresto sa higit 30,000 libong indibidwal.

Kung saan nakakumpiska ito ng mga shabu, marijuana leaves, marijuana plant, cocaine, ecstasy at kush marijuana.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy lang ang kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga na may layunin na hindi lamang mahuli ang mga lumalabag kundi mapanatili ang seguridad ng komunidad .

Dagdag pa nya, ay paiigtingin pa nila ang mga intelligence-led operations at kooperasyon sa mga ahensya at komunidad para mapanatili ang momentum ng kampanya.

Facebook Comments