
Pinag-iingat ni Vice President Sara Duterte ang publiko sa mga nangyayari ngayon na manipulasyon sa social media.
Sa ambush interview sa The Hague, Netherlands, sinabi ni VP Sara na laganap ngayon ang panlilinlang sa social media lalo na ngayong nagdeklara na siya ng hangarin na tumakbo sa 2028 presidential elections.
Tinukoy din ni VP Sara ang aniya’y negosyo ng troll farms na nagpapakalat ng manipuladong impormasyon sa social media.
Inaasahan din ni VP Sara na mas marami pang paninira laban sa kanya ang lalabas habang papalapit ang halalan sa 2028.
Facebook Comments










