
Malaya ang mga kongresistang miyembro ng Liberal Party na bomoto sa plenaryo kaugnay sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte batay sa kanilang konsensya, paniniwala at prinsipyo.
Inihayag ito ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima na siya ring tumatayong chairperson ng LP.
Ayon kay De Lima, noong pang March 3 ay nagpulong na silang mga kongresista na miyembro ng LP at nagkasundo sila na pairalin ang conscience vote hinggil sa impeachment ni VP Duterte.
Si De Lima ay endorser din ng ikatlong impeachment complaint laban kay VP Duterte na inihain ng mga pari, madre at mga abogado sa pangunguna ni Father Joel Saballa.
Facebook Comments










