
Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang abot sa ₱18.2-M na halaga ng marijuana plantation sa Sulu.
Isinagawa ang marijuana eradication operations sa Barangay Pitogo, Kalingalan Caluan.
May lawak na 12,500 square meters ang plantasyon na may 21,200 na piraso ng fully grown marijuana plants.
Nakumpiska rin ang tatlong sakong pinatuyong dahon ng marijuana.
Wala namang nahuling maintainer at cultivators ang PDEA dahil mabilis na tumakas ang mga ito matapos matunugan ang operasyon.
Facebook Comments










