Wednesday, November 25, 2026

𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗟𝗔𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗖𝗔𝗘𝗦𝗔𝗥 𝗗𝗬

CAUAYAN CITY- Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan na hindi nito gagamitin ang pondo ng lungsod para sa reconstruction ng bagong gawang kalsada sa Barangay Labinab na nakitaan ng depekto.

Sa panayam ng IFM News Team kay Cauayan City Mayor Caesar S. Dy Jr., sinabi nitong, ang contractor na nagsagawa ng proyekto ang hahabulin upang akuin ang responsibilidad sa pagsasaayos nito, alinsunod sa warranty na nakapaloob sa kontrata.

Ayon pa sa alkalde, nabigyan na ng babala ang contractor kaugnay ng kalidad ng kanilang trabaho. Binigyang-diin din nito na kapag naulit pa ang ganitong pagkukulang sa mga susunod na proyekto, maaari nang isailalim sa blacklisting ang naturang contractor sa Lungsod ng Cauayan.

Layunin ng hakbang na matiyak na nasusunod ang mga pamantayan sa paggawa ng mga proyektong imprastraktura at mapanagot ang mga contractor sa kalidad ng kanilang serbisyo.

Dagdag pa niya,na hindi dapat masayang ang pera ng taumbayan sa mga proyektong hindi pumapasa sa itinakdang pamantayan ng kalidad.

Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng warranty, inaasahang maitatama ang mga kakulangan sa proyekto nang hindi na gumagamit ng karagdagang pondo ng taumbayan.

Facebook Comments