Tuesday, May 26, 2026

𝗖𝗢𝗥𝗡 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Bilang tulong sa mga corn farmers sa Lungsod ng Cauayan na apektado ng tag-init, isinagawa ang distribusyon ng tulong pangkabuhayan kahapon, May 1, 2026 sa FLDY Coliseum.

‎Dumalo sa naturang programa si DSWD Regional Director Lucia Suyu-Alan kung saan binigyang-diin niya na kanilang mandato na tumulong sa mga mamamayan na nakakaranas ng hirap at humaharap sa kalamidad, lalo na’t itinaas ang lalawigan sa State of Calamity.

‎Nasa P3.8-M ang naturang halaga ng ipinamahagi kung saan tumanggap ng mahigit P10-K ang mg corn farmers sa lungsod.

‎Malaki naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo katulad ni Rex Zingapan, Corn Farmer mula sa Brgy San Luis kung saan sinabi nitong magagamit niya ang nakuhang tulong pambili ng gamit ng kanyang anak.

‎Samantala, sa naging panayam ng IFM NEWS TEAM kay Engr. Ricardo Alonzo, Cauayan City Agriculturist, sinabi nito na ang mga corn farmers na hindi napabilang o nakakuha ng livelihood assistance ay kanilang magiging priority sa kanilang corn at seed distribution program.

Facebook Comments