
βCauayan City – Pinayuhan ng Iranian ambassador sa London na si Seyed Ali Mousavi ang United Kingdom na maging maingat sa pakikialam sa digmaan ng Iran, US, at Israel.
β
βAyon sa kanya, may karapatan ang Iran na ipagtanggol ang sarili kung direktang sasangkot ang Britain sa atake.
β
βBagaman humingi ng paumanhin ang Pangulong Masoud Pezeshkian sa mga bansang Gulf, iginiit ni Mousavi na ipagpapatuloy ng Iran ang pag-atake sa mga military base ng US at Israel kung magpapatuloy ang opensiba laban sa kanila.
β
βSa nakalipas na linggo, tinamaan ng mga atake ng Iran ang Kuwait, UAE, Saudi Arabia, Bahrain, Oman, Iraq, at isang RAF base sa Cyprus.
β
βKahit may paumanhin, patuloy ang missile intercepts sa Qatar at UAE, at may kritisismo sa loob ng Iran sa tono ng apology.
β
βIginiit rin ni Mousavi na ang Iran ay hindi nagsimula ng labanan at ang kanilang tugon ay panseguridad lamang.
β
βNgunit malinaw na magpapatuloy ang Iran sa pag-atake sa US at Israel hanggaβt nagpapatuloy ang opensiba, kayaβt hindi pa natatapos ang digmaan.
β










