Sa pagpupulong ng mga kinatawan ng LGU at korporasyon, napag-usapan ang mga inaasahang economic benefits at kita na maaaring matanggap ng mga host communities sa oras na maisakatuparan at magsimula ang operasyon ng hydropower facility.
Tinalakay rin ang draft Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng mga bayan ng San Nicolas, Pangasinan at Itogon, Benguet kung saan naglalayon ng malinaw na maitala ang mga obligasyon, benepisyo, at iba pang mahahalagang probisyon ukol sa proyekto.
Ipinakita rin ang development map ng proyekto na kinabibilangan ng iba’t ibang pasilidad tulad ng powerhouse, waterways, access roads, tunnels, inlet at outlet structures, intake channel, coffer dam, at iba pang imprastrakturang kinakailangan para sa operasyon ng planta.
Inaasahan namang magsisilbing mahalagang hakbang ang pagpupulong upang maisulong ang proyekto na naglalayong palakasin ang suplay ng enerhiya habang nagbubukas ng mga oportunidad para sa paglago ng ekonomiya sa mga host communities ng Pangasinan at Benguet. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








