Thursday, April 23, 2026

π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—£π—”π—šπ—‘π—”π—‘π—”π—žπ—”π—ͺ, 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬

CAUAYAN CITY-Arestado ang isang 37 anyos na lalaki sa kasong pagnanakaw sa isinagawang operasyon ng pulisya kahapon ika-22 ng Abril sa Cauayan City.

Kinilala ang suspek na si alyas β€œJayson” at residente ng Brgy. Duminit sa nasabing lungsod at nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Inaresto ang nasabing suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilibas noong April 28, 2008 ng Municipal Trial Court sa Cauayan City na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng β‚±10,000 para sa kaniyang pansamantalaang kalayaan.

Matapos ang operasyon, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine bago siya dinala sa himpilan ng Cauayan City Component Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments