Wednesday, June 24, 2026

𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗖 𝗕𝗢𝗔𝗥𝗗 𝗘𝗫𝗔𝗠, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗧 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗘𝗘𝗦

Cauayan City – Isinusulong ni Senador Erwin Tulfo ang panukalang magbibigay ng libreng professional licensure examinations para sa mga kwalipikadong mahihirap na Pilipino.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2035 o “Free Professional Examinations Act,” layuning sagutin ng gobyerno ang examination fees ng mga kukuha ng board exams upang mabawasan ang financial burden ng mga bagong graduate.

Batay sa panukala, kinakailangang makakuha ng certification mula sa Department of Social Welfare and Development ang examinee bilang patunay na kabilang siya sa indigent sector bago ito isumite sa Professional Regulation Commission o Civil Service Commission.

Nakasaad naman sa ipinapanukalang batas na maaari lamang itong magamit isang beses kada taon.

Ayon kay Tulfo, mahalagang mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga Pilipino na makakuha ng professional license at makatulong sa pag-unlad ng bansa.

Facebook Comments