Friday, April 24, 2026

𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗩𝗔𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Pinaiigting na ng kapulisan mula sa Cauayan City Police Station ang kanilang Oplan Summer Vacation ngayong taon sa lungsod ng Cauayan.

Ang kanilang kampanya sa Ligtas SumVac 2026 ay pinalalakas sa pamamagitan ng simultaneous Oplan Tambuli o Bandillo, dayalogo, at pamamahagi ng mga flyers kaugnay sa crime prevention and public safety.

Kanilang tinututukan ang iba’t-ibang places of convergence sa lungsod kabilang na ang mga bus terminals, malls, mga pamilihan, at mga kalsadahan.

Layunin ng kampanyang ito na mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, na makatutulong upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan ngayong panahon ng bakasyon.

Samantala, pinaghahandaan na rin ng kapulisan ang gagawin nilang pagbabantay sa lungsod sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

————————-

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments