
Cauayan City – Pitumpuβt tatlong magsasaka mula sa bayan ng San Mariano ang bumisita sa Philippine Rice Research Institute (PHILRICE) Isabela upang ipagpatuloy ang kanilang Season-long training tungkol sa Hybrid Seed Production.
Magiliw silang tinanggap ni Station Director Joy Bartolome Duldulao na nagpahayag ng pasasalamat sa patuloy na pakikiisa ng mga magsasaka sa mga programa at inisyatibo ng ahensya.
Nakilahok din ang mga magsasaka sa ginanap na open field day kung saan kanilang nasaksihan ang ibaβt ibang makabagong teknolohiya sa pagsasaka ng palay.
Sa pamamagitan ng pag-iikot sa mga demonstration area, aktwal nilang nakita kung paano isinasagawa ang mga makabagong pamamaraan sa produksyon ng palay.
Sa naging pahayag ni Ginang Violeta, isa sa mga kalahok, mas naging makabuluhan ang kanilang pagdalo dahil aktwal nilang nakita ang mga konseptong kanilang pinag-aaralan sa training.
Ayon sa mga kinatawan 6th ng Ahensiya, ang mga ganitong aktibidad ay higit na makatutulong upang mailapit sa mga lokal na magsasaka ang mga bagong teknolohiya at kaalaman na makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang ani at produksyon.










