AGRI-EXTENTION ON WHEELS PARA SA MGA MAGSASAKA, UMPISA NANG UMARANGKADA SA PANGASINAN

Nag-umpisa nang umarangkada ang Agri-Extension on Wheels ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute – Regional Training Center I (DA-ATI-RTC I) kung saan malaking hakbang upang maiparating sa mga magsasaka sa Pangasinan at sa ibang pang karatig-probinsya ang kaalaman at iba pa nilang pangangailangan.

Sa Pangasinan, umarangkada ang nasabing proyekto sa bahagi ng Sta. Barbara, Pangasinan nitong April 24, 2026.

Dala nito ang ibat-ibang serbisyo tulad ng training, pamamahagi ng IEC materials, paglunsad ng mga produkto, agri-tech demos, agri-tech-extension, at soil analysis sa mga mabibisitang lugar.

Para umano sa mga magsasakang nangangailangan pa ng serbisyo upang mas mapayabong pa ang kaalaman sa sektor na kanilang hanap-buhay.

Sunod naman itong aarangkada sa Bolinao sa May 4; San Manuel sa May 5; at Natividad sa May 6. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments