DALAGITA, NASAWI SA AKSIDENTE SA PANTAL BRIDGE, DAGUPAN CITY

Nasawi ang isang 12 anyos na dalagitang lulan ng isang tricycle matapos masangkot sa banggaan sa kahabaan ng Pantal Bridge, New De Venecia Highway, Dagupan City noong Miyerkules ng gabi, April 22, 2026.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkataon na nagsabay patungo sa iisang lane ang tricycle at isang pickup truck dahilan upang masagi nito ang tricycle. at nagpagulong-gulong sa kalsada sakay ang nasa walong pasahero na pawang magkakamag-anak.

Sa paggulong ng tricycle ay aksidente naman itong nasagasaan ng isa pang pickup truck na paakyat na rin sana sa nasabing tulay.

Tinitignang dahilan ang overloading umano ng tricycle at posibleng human error.

Sugatan ang mga lulan ng tricycle habang idineklarang dead on arrival ang menor de edad na pasahero.

Napagdesisyonan naman ng mga lulan ng tricycle na hindi na sila magsasampa ng kaso habang patuloy na nagpapaalala ang awtoridad sa kaligtasan at pag-iingat sa gitna ng kalsada.

Facebook Comments