ISA, NASAWI; TATLO, SUGATAN MATAPOS PUMUTOK ANG GULONG NG ISANG VAN SA MANGALDAN

Nasawi ang isang pasahero habang sugatan ang tatlong kasamahan nito na lulan ng utility van matapos sumabog ang gulong at tumagilid sa kalsada sa Barangay Salay, Mangaldan, Pangasinan, dakong alas-4:20 ng hapon noong Abril 28, 2026.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas umano ng putting utility van ang National Highway nang biglang pumutok ang kanang likurang gulong nito, dahilan upang mawalan ng kontrol sa sasakyan ang driver.

Dahil sa insidente, sugatan ang dalawang sakay habang dead on arrival naman sa pagamutan ang isa pa, matapos mapuruhan sa ulo.

Sa kasalukuyan, tinataya pa ang kabuuang pinsala ng sasakyan na kasalukuyang nasa kustodiya ng Mangaldan Municipal Police Station para sa kaukulang imbestigasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments