𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗨𝗡𝗟𝗔𝗥𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗕𝗨𝗘𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗘𝗥𝗧𝗘, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- CAUAYAN CITY – Nakalatag na ang iba’t ibang proyekto para sa ikauunlad ng komunidad sa Brgy. Buena Suerte, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Committee on Infrastructure Chairperson Rogelio Agcaoili, inilahad niya ang mga pangunahing proyekto para sa taong ito, kabilang ang pagsasaayos ng drainage canal sa Purok 6 upang matugunan ang madalas na pagbaha sa lugar tuwing tag-ulan.

Aniya, makatutulong ito upang maiwasan din ang paglaganap ng sakit na dengue sa kanilang barangay.


Kasama rin sa mga nakaplanong proyekto ang pagsasaayos ng streetlights sa pampublikong lansangan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente, at ang pagsesemento ng 100 metrong farm-to-market road sa Purok 5 para mapadali ang transportasyon ng mga produkto ng mga magsasaka.

Facebook Comments