
CAUAYAN CITY- Natapos na ng Department of Public Works and Highways-Regional Office II ang konstruksyon ng Naguilian Parallel Bridge sa Barangay Palattao, Naguilian, Isabela.
Ang naturang tulay ay may habang 687.80 meters kung saan pinondohan ito ng ₱969.1-million sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).
Ito ay magsisilbing counterpart ng dating Nagulian Bridge na nagdudugtong sa ilang bayan sa lalawigan ng Isabela.
Sa pamamagitan nito ay tataas ang volume capacity ng mga sasakyan, mapapaluwag ang trapiko, pagpapadali sa mas maayos na mobility para sa bumibiyaheng motorista, pagpapabuti sa pag-access sa edukasyon at pangangalagang pangkalusugan.
Samantala, sinimulan ang proyekt noong December 2020 at natapos noong October 2024.
Facebook Comments