DALAWA, ARESTADO SA KASONG ESTAFA SA ALAMINOS CITY

Arestado ang dalawang indibidwal sa pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa lungsod ng Alaminos noong Hunyo 17, 2026.

Kinilala ang mga naaresto na pawang residente ng Alaminos City, Pangasinan.

Isinagawa ang operasyon ng joint personnel ng Alaminos City Police Station (lead unit) at Regional Intelligence Division PRO1 (RID PRO1) sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Article 315(1)(B) ng Revised Penal Code na inamyendahan ng RA 10951 at may inirekomendang piyansa na ₱18,000.

Sa kasalukuyan, ang dalawang indibidwal ay nasa kustodiya na ng Alaminos CPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon ng kanilang kaso.

Facebook Comments