Tuesday, June 23, 2026

PROVINCIAL ADMINISTRATIVE AND RESOURCE MANAGEMENT UNIT UNDER THE LOGISTICS SUPPORT SERVICE NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA FIREARMS AT EVIDENCE ROOM NG SAN FABIAN MPS

Nagsagawa ang Provincial Administrative and Resource Management Unit under the Logistics Support Service ng masusing imbentaryo at pisikal na inspeksyon ng mga baril, stockroom, at evidence room ng San Fabian Municipal Police Station (MPS) noong Hunyo 22, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kahandaan at pananagutan sa hanay ng kapulisan.

Pinangunahan ni Police Chief Master Sergeant John Delos Reyes ang naturang aktibidad na nagsimula alas-11:20 ng umaga at natapos alas-12:10 ng tanghali. Nakiisa rin sa inspeksyon ang lahat ng personnel ng istasyon upang tiyakin ang maayos na dokumentasyon at seguridad ng mga kagamitan at ebidensyang nasa pangangalaga ng himpilan.

Layunin ng inspeksyon na masiguro na ang lahat ng armas, kagamitan, at mga nakatalang ebidensya ay maayos na nakaimbak, kumpleto sa rekord, at sumusunod sa itinakdang mga alituntunin at protocol ng organisasyon.

Ayon sa pamunuan, mahalaga ang regular na pagsasagawa ng imbentaryo at inspeksyon upang mapanatili ang integridad ng mga operasyon ng pulisya at mapalakas ang transparency at accountability sa serbisyo publiko.

Sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga inventory protocol, patuloy na pinagtitibay ng San Fabian MPS ang kanilang pangako sa tapat, responsable, at propesyonal na paglilingkod para sa kapakanan at seguridad ng mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments