
Cauayan City – Naghatid ng agarang tulong at pakikiramay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamilya ng isang senior citizen na nasawi matapos dumalo sa payout ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa Capitol Gymnasium noong ika-22 ng Mayo.
βPersonal na ipinag-utos ni Gobernador Edgar βManong Egayβ Aglipay ang mabilis na pag-aksyon sa insidente.
βAng biktima ay kinilalang si Wilson Ubay Corpuz, 67-anyos, residente ng Barangay Anquiray, Amulung, Cagayan.
βBatay sa pahayag ng kanyang kapatid, pinaniniwalaang heatstroke ang dahilan ng kanyang pagkamatay matapos mawalan ng malay habang nasa payout venue.
βKaagad na isinugod si Corpuz sa Cagayan Valley Medical Center subalit hindi na ito umabot nang buhay.
βBilang tugon, nagkaloob ang Provincial Social Welfare and Development Office ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan para sa kanyang pamilya.
βAyon sa PSWDO, nagpapatuloy ang koordinasyon para sa karagdagang ayuda at suportang pinansyal sa mga naulila.
βTiniyak din ng pamahalaang panlalawigan ang patuloy na pagtulong sa pamilya sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.










