150 BENEPISYARYO SA SUGPON, ILOCOS SUR SINANAY UPANG PANGALAGAAN AT IPAGPATULOY ANG MGA PROYEKTONG PANGKOMUNIDAD ‎

Hindi lamang imprastraktura at kabuhayan ang iniwan ng Risk Resiliency Program (RRP)–Project LAWA at BINHI sa bayan ng Sugpon sa Ilocos Sur kundi pati ang kakayahan ng mga residente na pangasiwaan at palaguin ang mga ito sa mga susunod na taon.

‎Aabot sa 150 partner-beneficiaries ang pormal nang naging pangunahing tagapangasiwa ng mga proyektong kanilang naipatupad matapos i-turn over sa kanila ang anim na rehabilitated potable water systems at anim na taniman ng ube na nagsisilbing climate-resilient na pananim para sa pagkain at dagdag na pagkakakitaan.

‎Bilang paghahanda sa kanilang bagong tungkulin, sumailalim ang mga benepisyaryo sa Cash-for-Training (CFT) sa ilalim ng Stage 3 ng programa.

‎Dito ay natuto sila ng sustainable farming, pest management, at sustainability planning upang matiyak ang maayos na pagpapanatili at pagpapalawak ng mga proyekto sa kanilang mga komunidad.

‎Bukod sa pagsasanay, natanggap din ng mga benepisyaryo ang kanilang sahod mula sa 20 araw na paglahok sa Cash-for-Training at Cash-for-Work, na nagbigay ng karagdagang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments