
Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi pa tapos ang kaso kaugnay ng kanilang raid sa KTV bar na pag-aari ng maybahay ni dating Cong. Mike Defensor sa Pasig City.
Inihayag ito ng NBI bagama’t may ilan daw na hindi inaresto sa raid.
Nilinaw din ng NBI na ang mga pinalayang indibidwal ay hindi bahagi ng anila’y criminal operation ng KTV.
Ayon pa sa NBI , ang kanilang operasyon ay ginagarantiyahan ng evidentiary standards ng justice system demands.
Magsasampa rin anila sila ng kaso ng DOJ Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) laban sa 54 mga babae na sinasabing sangkot sa human trafficking, sexual exploitation, at illegal drugs.
Facebook Comments










