Sunday, May 17, 2026

𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang 24-anyos na lalaki matapos sumalpok sa isang pampasaherong bus noong ika-16 ng Mayo sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si alyas “Koy” 24-anyos at residente ng Brgy. Baringin Sur, Cauayan City habang ang driver naman ng bus ay kinilalang si alyas “Boyong” 34-anyos at residente ng Manag, Conner Apayao.

Batay sa imbestigasyon, binabagtas ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na direksyon. Napag-alaman na bago pa man makarating sa pinangyarihan ng insidente ay pasuray-suray na umano ang takbo ng motorsiklo hanggang sa mawalan ito ng kontrol at bumangga sa kasalubong na pampasaherong bus.

Agad namang rumesponde ang Rescue 922 upang tulungan ang biktima. Kaagad ding dinala ang sugatang motorista sa pinakamalapit na pagamutan upang mabigyan ng paunang lunas at karampatang medikal na atensyon.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang kabuuang sanhi ng aksidente.

Facebook Comments