Mahigpit na nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan laban sa sinumang magbebenta ng libreng binhing palay na ipinagkaloob sa mga magsasaka sa bayan.
Ito ay kasunod ng pamamahagi ng 6,393 sako ng hybrid at certified rice seeds sa mahigit 1,400 magsasaka na isinagawa sa Municipal Hall Grounds nitong Mayo 12.
Ayon sa lokal na pamahalaan, dapat direktang mapakinabangan ng mga benepisyaryong magsasaka ang mga ipinamahaging agricultural inputs upang maiwasan ang pag-aaksaya ng tulong mula sa pamahalaan at matiyak ang tuloy-tuloy na suporta ng Department of Agriculture sa bayan.
Ang pamamahagi ay isinagawa sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program ng Department of Agriculture na layong mapataas ang ani, mapababa ang gastos sa produksyon, at mapalakas ang kita ng mga magsasaka.
Inaasahan ng tanggapan na makatutulong ang mga libreng binhi sa pagpapalakas ng produksyon ng palay sa Mangaldan ngayong wet cropping season at sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng bigas sa lokal na pamilihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





