Tuesday, July 14, 2026

𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

CAUAYAN CITY- Timbog ang isang 28-anyos na lalaki sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad noong gabi ng ika-18 ng Mayo sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Aladdin”, vendor at residente ng Brgy. District 3, Cauayan City.

Batay sa ulat, Nahuli umano ang suspek matapos nitong magbenta ng apat na maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.30 gramo at halagang ₱3,000 sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Narekober din sa operasyon ang isang tunay na ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money, limang piraso ng boodle money, isang kaha ng sigarilyo, isang folded paper tissue, at isang Infinix Android cellphone.

Matapos ang pagaresto ay ang suspek sa Cauayan District Hospital para sa medical examination bago iniharap sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa naturang insidente.

Facebook Comments