Sa naturang halaga, ₱1.29 milyon ang inilaan sa 86 na benepisyaryo sa ilalim ng Enhanced Livelihood Program for OFW Reintegration o ELPOR, habang ₱550,000 naman ang inilaan sa 9 na benepisyaryo ng AKSYON Fund.
Pinangunahan ang aktibidad ni OIC-Assistant Regional Director Romeo A. Jaramilla, kasama sina Supervising Labor and Employment Officer Dionne Cleo M. Cruz, Senior Labor and Employment Officer Iries R. Sarmiento, at Labor and Employment Officer II Aaron Jake M. Marquez.
Layunin ng ELPOR na matulungan ang mga nagbalik na Overseas Filipino Workers o OFW sa pagtatayo at pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.
Samantala, nagbibigay naman ang AKSYON Fund ng angkop na tulong sa mga kuwalipikadong OFW at kanilang mga pamilya.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, patuloy na sinisikap ng DMW RO I na matulungan ang mga OFW at kanilang pamilya na makabangon sa mga hamon, makapagsimulang muli, at magkaroon ng mas maayos na pamumuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








