Wednesday, October 14, 2026

ILANG KALSADA SA SAN MANUEL, PANSAMANTALANG ISASARA SIMULA OKTUBRE 15 PARA SA CHRISTMAS BAZAAR AT NIGHT MARKET

Magpapatupad ng pagbabago sa daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng San Manuel, Pangasinan mula Oktubre 15 hanggang Disyembre 23, 2026, kasabay ng pagdaraos ng Christmas Bazaar at Night Market 2026.

Batay sa traffic advisory ng lokal na pamahalaan, pansamantalang isasara ang ilang bahagi ng Perez Boulevard at Quirino Street upang bigyang-daan ang nasabing aktibidad.

Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang Avila Street bilang alternatibong ruta upang maiwasan ang abala sa kanilang biyahe.

Magtatakda rin ng bagong terminal para sa mga modernized jeepney bilang bahagi ng mga pagbabago sa sistema ng pampublikong transportasyon sa lugar.

Dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga mamimili at bisita sa buong panahon ng aktibidad, pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ang publiko na planuhin nang maaga ang kanilang mga biyahe, sundin ang mga traffic sign, at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments