TINDAHANG MALAPIT SA BARANGAY HALL SA SAN FABIAN, PINASOK NG MAGNANAKAW; ₱10K HALAGANG PANINDA, NATANGAY

Nilooban ang isang sari-sari store sa Barangay Longos Central sa bayan ng San Fabian, kung saan tinatayang sampung libo piso ang tinangay.

Emosyonal na ikinuwento ni Virginia “Virgie” Roca, may-ari ng tindahan, ang nangyaring panloloob na natuklasan nila noong umaga ng Oktubre 7.

Ayon kay Roca, nangyari ang insidente noong gabi ng Oktubre 6, ngunit kinabukasan na nila nadiskubre na nilooban ang kanilang tindahan.

Tinatayang nasa ₱10,000 ang halaga ng mga panindang nakuha mula sa kanilang tindahan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng barangay sa insidente na nangyari malapit lamang sa barangay hall.

Ayon kay Punong Barangay Eva Suratos Liwanag, may CCTV sa lugar ngunit hindi umano malinaw na nahagip ang insidente dahil madilim at kasabay pa ng pag-ulan nang mangyari ang panloloob.

Dahil dito, hinimok naman ni Roca ang mga responsable na piliing maghanapbuhay nang patas sa kabila ng hirap ng buhay.

Samantala, nagpapatuloy ang pagroronda ng mga barangay personnel sa kanilang nasasakupan upang maiwasan ang mga katulad na insidente.

Pinapayuhan din ang mga residente na manatiling maingat at mapagmatyag, lalo na sa nalalapit na Undas at holiday season kung kailan inaasahang mas magiging abala ang mga komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments