
Maituturing na praktikal lang ang payo ni Pangulong Bongbong Marcos sa publiko na maghanda ng balde para makapag-ipon ng tubig-ulan para sa inaasahang epekto ng Super El Niño.
Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na mahalagang makapag-ipon ng tubig ngayong may pabugso-bugsong ulan dahil posible ang water interruptions sa iba’t ibang lugar ng bansa.
Nakatulong din aniya ang suhestyon ng pangulo sa mga nagtitinda ng balde dahil may mga ulat na tumaas ang bentahan ng balde.
Tiniyak naman ni Gatchalian na bibigyan ng sapat na pondo ng Senado ang Department of Agriculture (DA) para matulungan ang ating mga magsasaka sa panahon ng El Niño.
Sisiguruhin din na sapat ang disaster risk reduction and management fund para sa pagresponde at pagtulong sa sektor ng pagsasaka at pangingisda na unang tatamaan ng El Niño.










