Dalawang Most Wanted Persons sa Mangaldan at Calasiao ang inaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon noong Setyembre 8, 2026.
Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga tauhan ng Mangaldan Police Station ang isang 29-anyos na mekaniko at residente ng Mangaldan sa bisa ng warrant of arrest.
Kinilala itong Top 8 Most Wanted Person sa municipal level at may kasong 13 counts ng Qualified Theft na may inirekomendang piyansa na ₱24,000 bawat kaso.
Samantala, naaresto rin sa Calasiao ang isang 37-anyos na residente ng bayan na kinilalang Top 10 Most Wanted Person ng munisipalidad.
Dinakip ang naturang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code (RPC) na may inirekomendang piyansa na ₱120,000.
Matapos ang magkahiwalay na pag-aresto, kapwa dinala ang mga suspek sa kustodiya ng Mangaldan at Calasiao Police Station para sa dokumentasyon, wastong disposisyon, at kaukulang legal na proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







