
Nagpalitan sa pwesto ang dalawang hepe ng pulisya sa panibagong balasahan sa Philippine National Police (PNP).
Mula sa Directorate for Personnel and Records Management, itilagang bagong director ng Anti-Cybercrime Group (ACG) si Police Mgen. Andre Dizon.
Si Dizon ay mula sa PNPA Class of 1994 at dating Director ng PNP Academy bago nalipat sa Personnel Holding and Accounting Unit at mabigyan muli ng pwesto sa ngayon.
Samantala, papalit sa kanya sa DIDM ang galing namang ACG na si Police Mgen. Wilson Asueta.
Si Asueta ay graduate naman ng PNPA Class of 1995.
Epektibo ang nasabing palitan ng pwesto, kahapon ng September 17.
Facebook Comments










