Friday, September 4, 2026

MMDA GM Torre, inaming pinagmukhang official ang kaniyang sasakyan dahil wala pang armored vehicle nang maupo sa puwesto

Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Nicolas Torre na sakay siya ng naturang armored SUV nang maganap ang insidente at kumpirmadong tampered ang plaka nito.

Pinagmukha raw muna niya itong official na sasakyan dahil walang armored vehicle ito noong maupong opisyal ng gobyerno. 

Aminado si Torre na shortcut ang kaniyang ginawang proseso at nagkaroon ng kakulangan sa pagdulog. 

Ani Torre, nais lamang niya na kaysa unmarked vehicle ang kaniyang gamitin kapag siya’y gumanap ng tungkulin ay opisyal sana ang kaniyang maging presentasyon maging sa gagamiting sasakyan sa kalsada. 

Paliwanag ng heneral, nabili niya ang nasabing sasakyan sa isang religious organization sa halagang P3.5 million sa pamamagitan ng isang marketplace. 

Inihayag ito ni Torre sa gitna ng patuloy na imbestigasyon at Show Cause Order (SCO) mula sa Land Transportation Office (LTO) ukol sa mga naging paglabag sa batas-trapiko.

Facebook Comments