Wednesday, September 9, 2026

Mundo ng mag-asawang Duterte-Carpio, papaliit na —Rep. Ridon

Para kay House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, tunay na papaliit na ang mundo ng mag-asawang Duterte-Carpio.

Dagdag pa ni Ridon, talagang papunta na tayo sa exciting part.

Sinabi ito ni Ridon makaraang ibasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong inihain ng mister ni Vice President Sara Duterte (VPSD) na si Atty. Manases Carpio laban sa paglalabas ng kanilang tax at bank records.

Giit ni Ridon, tama lang na ibinasura ng piskalya ang kaso ni Carpio laban sa House prosecutors at iba pang mambabatas dahil ito ay malisyoso at walang batayan.

Facebook Comments