₱20,000 CASH ASSISTANCE BAWAT PAMILYA, IPINAGKALOOB SA DALAWANG PAMILYANG NASUNUGAN SA LASIP GRANDE, DAGUPAN

Ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng Dagupan City ang tig-₱20,000 cash assistance sa dalawang pamilyang nasunugan sa Barangay Lasip Grande noong Oktubre 13.

Kasama rin sa ipinamahaging tulong ang mga relief kit na naglalaman ng mga kumot, damit at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na magpapatuloy ang pagtulong sa dalawang pamilya, lalo na sa kanilang pagbangon at sa pagpapagawa muli ng kanilang mga tahanan.

Katuwang sa agarang pagtugon ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO, City Engineering Office, City Treasury Office at ang Barangay Council sa pangunguna ni Barangay Captain Armando Capito.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin nitong matiyak na agad na matatanggap ng mga pamilyang nasunugan ang kinakailangang tulong habang sinisimulan nila ang muling pagbangon matapos mawalan ng tahanan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments