Thursday, July 9, 2026

Petisyong inihain ni Atty. Israelito Torreon sa Supreme Court kaugnay pagiging presiding officer ni Chiz Escudero, hindi alam ng defense counsel ni VP Sara Duterte

Kinumpirma ni Defense Counsel Atty. Michael Poa na hindi nila alam ang petisyong inihain ni Atty. Israelito Torreon sa Supreme Court.

Nabatid na naghain ang ilang mga indibidwal sa pangunguna ni Atty. Torreon ng petisyon sa Korte Suprema na agad na pahintuin ang nasabing impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil sa kailangan munang resolbahin ang kwestyon sa awtoridad ng presiding officer nito na si Senator Chiz Escudero.

Binigyang-diin ng defense team na nakafocus lang sila sa impeachment trial at sinabing wala ito sa posisyon para masabi kung suportado nila ang nasabing petisyon o hindi.

Kung alam ni VP Sara ay sinabi ni Poa na hindi naman sila nag-usap ukol dito kung kayat tingin niya ay hindi rin ito umano alam ng bise presidente.

Facebook Comments