Patuloy na nagsasagawa ng field inspections at on-site visitations ang Local Tourism and Cultural Affairs Office (LTCAO) ng Lingayen sa ibat ibang tourism establishments bilang bahagi ng pagsuporta sa pag-update ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) at Comprehensive Development Plan (CDP) ng bayan.
Nakatuon ang aktibidad sa pangangalap ng tumpak at napapanahong datos mula sa mga resort, hotel, at iba pang tourism-related businesses.
Layunin nitong makabuo ng mas epektibo at angkop na mga plano para sa patuloy na pag-unlad ng turismo sa Lingayen.
Kasabay nito, tiniyak din ng LTCAO team na sumusunod ang mga establisyimento sa umiiral na pamantayan ng turismo na itinakda ng mga awtoridad sa antas probinsyal at rehiyonal.
Ipinaalala rin sa mga operator ng accommodation establishments ang kahalagahan ng regular na pagsusumite ng kanilang buwanang tourist arrival reports.
Mahalaga ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad upang masubaybayan ang galaw ng turismo sa lugar at makapaglatag ng mga polisiyang tumutugon sa pangangailangan ng industriya.










