
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2026 National Kick-Off ng School-Based Feeding Program at Milk Feeding Activity sa Pulilan, Bulacan ngayong umaga.
Ginawa ang programa sa Pulilan Central School bilang hudyat ng pagsisimula ng School-Based Feeding Program ng pamahalaan na layong mabawasan ang malnutrisyon at mapabuti ang kalusugan at pagkatuto ng mga batang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Layon din ng programa na bigyang tugon ang isyu ng growth stunting o pagkabansot sa mga batang Pilipino
Pinangunahan ng Department of Education (DepEd) ang programa katuwang ang Department of Agriculture (DA), Philippine Carabao Center (PCC), at iba pang ahensya upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng gatas at masustansyang pagkain para sa mga mag-aaral.










