Ang iginawad na Fintastic Fish Processing and Value-Adding Project ay may layon na mabigyan ng oportunidad ang mga miyembro ng samahan na makapagsimula ng negosyong nakatuon sa pagproseso ng isda at pagdaragdag ng halaga sa mga produktong pangisdaan upang magkaroon ng karagdagang kita para sa kanilang mga pamilya.
Ipinagkaloob ang proyekto sa production site ng samahan sa Sitio Tamurong, Barangay 19, San Lorenzo, San Nicolas, sa pamamagitan ng DOLE Ilocos Norte Field Office.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap at sa pagkakataong makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan.
Ayon kay DOLE Regional Director Honorina Dian-Baga, umaasa siyang magiging daan ang proyekto sa paglago ng samahan sa pamamagitan ng pagtutulungan at sama-samang pakikinabang ng mga miyembro.
Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na isinusulong ng DOLE ang pagbibigay ng oportunidad sa kabuhayan at pagpapalakas ng kakayahang pang-ekonomiya ng mga komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







