Inaprubahan ng Municipal Development Council o MDC ng Mangaldan, Pangasinan, ang panukalang Annual Investment Program o AIP para sa 2027 na nagkakahalaga ng ₱590.4 milyon.
Inaprubahan ito sa pagpupulong noong Oktubre 13 at ieendorso sa Sangguniang Bayan para sa kaukulang deliberasyon at aksyon.
Kabilang sa mga prayoridad na proyekto ang pagsasaayos ng drainage canal, pagpapagawa at pag-aaspalto ng mga kalsada, paglalagay ng solar lights, scholarship grants, serbisyong panlipunan, at paghahanda sa sakuna.
Samantala, tinalakay rin ang mahigit ₱86 milyong halaga ng mga proyektong pinondohan ng 20% Development Fund para sa 2026.
Ayon sa lokal na pamahalaan, sisikaping makumpleto ang mga natitirang proyekto bago matapos ang taon.
Binigyang-diin ng mga opisyal ang maayos na pagpaplano at wastong paggamit ng pondo upang matugunan ang mgapangangailangan ng mga mamamayan.
Sa oras na maendorso at maisailalim sa kaukulang proseso ng Sangguniang Bayan, inaasahang magsisilbing gabay ang Annual Investment Program sa paglalaan ng pondo para sa mga pangangailangan at prayoridad ng mga mamamayan ng Mangaldan sa susunod na taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








