Sinuri ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kondisyon at paggana ng mga laptop na naipagkaloob sa Pamahalaang Bayan ng Bautista, Pangasinan, sa ilalim ng Project CLICK.
Layunin ng monitoring visit na matiyak na maayos pang gumagana ang mga kagamitang ginagamit ng lokal na pamahalaan, gayundin na matukoy ang mga teknikal na problemang nangangailangan ng karagdagang tulong o suporta.
Nakiisa rin sa aktibidad ang Municipal ICT Focal Person ng Bautista upang mapadali ang koordinasyon at matugunan ang mga posibleng teknikal na suliranin sa mga kagamitan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rosemarie G. Gacutan, nagpahayag naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa DICT para sa patuloy na paggabay at suporta nito sa pagpapalakas ng digital capabilities ng bayan.
Inaasahang makatutulong ang patuloy na pagsubaybay sa mga kagamitang pangteknolohiya upang mapanatili ang maayos na operasyon ng lokal na pamahalaan at maisulong ang mas episyente at maaasahang paghahatid ng serbisyong publiko sa mga residente ng Bautista. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








