DALAWANG BATANG DAGUPEÑO, NAGSAULI NG NAPULOT NA WALLET

Isang simpleng gawain ang nagpaalala na ang paggawa ng tama ay hindi nasusukat sa edad, kundi sa kabutihang taglay ng puso.

Pinatunayan ito ng dalawang batang sina Mark Jian M. Naraja, 13 taong gulang, at Kurt Christian G. Diaz, 12 taong gulang, kapwa mula sa Purok Russia, Bonuan Binloc, Dagupan City, matapos nilang isauli ang napulot na wallet sa tunay na may-aring si Steven Roger N. Waite.

Nasaksihan naman ni Barangay Kagawad Tanod Clauna ang ipinakitang mabuting asal na ginawa ng dalawang bata.

Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat at papuri ang pamunuan ng barangay kina Mark Jian at Kurt Christian na nagsilbing huwaran sa kanilang mga kapwa kabataan at kabarangay.

Higit pa sa halaga ng napulot na pitaka, ipinakita nila na sa murang edad ay natutuhan na nila ang pagkilala sa tama at mali—isang mahalagang aral na kanilang babaunin sa paglaki upang patuloy na piliin ang katapatan at kabutihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments