
Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi na pwedeng bawiin o ikaltas ng mga employer ang ₱60 wage increase na naibigay na sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Ito ay sa kabila ng pag-iisyu ng status quo ante order ng korte ng Pasig noong July 25 na nagpipigil sa pagpapatuloy ng implementasyon ng wage hike.
Giit ni Labor and Employment Secretary Francis Tolentino, nakapaghanda at nakapagdagdag na umano ng ₱60 ang ilang employer para sa arawang sahod ng mga manggagawa bago pa lumabas ang kautusan ng korte.
Sa kabilang banda, kinumpirma naman ni Tolentino na dalawang korte ang naglabas ng kautusan kaugnay ng pansamantalang pagpapahinto sa implementasyon ng wage increase pero hindi pa nila natatanggap ang kautusan galing sa isang korte.
Dahil dito tiniyak ng kalihim sa susunod sila sa utos ng korte.
Samantala, mariin namang iginiit ng DOLE na susunod sila sa utos ng korte, pero patuloy silang maninindigan sa kanilang naging desisyon at ipaglalaban ang karapatan ng manggagawa at employer.










